korek 'kong bata Dalawampu't limang taon nang nag-aantay sa wala
Naghahanap ng kasiyahan sa buhay na puno ng muta
Tahimik na bata kung titignan pero makulit ang utak
Kakaibang mag-isip pero hindi sabak ng sabak
Pangmodel ang katawan kung naging babae lang
Madaming gusto sa buhay kaso pera ko ay kulang

Nakarating ka na ba sa kakaibang mundo?
Kung saan lahat pwede kahit magulo
Kung saan ang kasarian ay hindi importante
Kung saan mag-mura ka man, pwede
Kung saan lahat ng naisin mo maari
Walang plastikan at pagkukunwari

Dito po yon sa Tumblr ko
Korek 'kong Bata lang po 

PS: ang pangit ata ng tula ko?

gusto ko yan, sakto.

Uy parang mura ‘to ha.

Like.

Ayan gusto ko din yan.

Eto maganda sa pantalon ko.

Parang gusto ko ‘tong t-shirt na ‘to.

Magada ‘tong bag na ‘to, Unique.

Ay ang cute naman ng color, meron kayang color green?

Naglalakad siya sa sunod sunod na stall at shops sa mall. Sale pa man din.! 

Tinungo na niya ang pintuan papalabas at nag-antay ng jeep na masasakyan. Sinilip ang coin purse. Pitong tig-iisang piso at apat na bente singko centavo.

Ang tagal naman niya.

Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko. May ilang minuto na din akong nag-aantay sa kanya.

Alam mo yung pakiramadam na para kang naiihi sa tensyon at excitement sa pagdating niya? Yung parang ang pinipigilan mo ang sarili mong taeng tae na. Nasisipagtaasan ang balahibo mo at halos mangiwi ang mga binti mo sa kilig.

Parang ang tagal naman niya masyado. Ano na kayang nangyari dun?

Sumasabog na ang isip ko kakaisip kung ano na kaya ang nangyari at parang sobra na ang pagiging late niya.

Ang alam ko kasi ay susunduin niya ako sa bahay pero bakit kaya siya natagalan?

Ay Oo ng pala, kaibigan ko lang pala siya.

5/31 19:12 - 1 note

Note to self:

Hindi ka pala dapat sinasanay.

pinakamahalagang pasakit

Ilang oras ng masakit ang tyan niya. Parang gusto nalang niyang sapakin ito pero hindi naman siya tanga para lalo lang saktan ang sarili niya.

Nangingiwi na siya sa pagkakatayo. Hirap na hirap na siya kaya’t umupo nalan siya sa malapit na upuan sa tabi niya.

Hindi pa din siya mapakali.

Kanina pa siya nagmamaktol sa sakit pero parang wala namang gustong pumansin sa kanya. Nasa tabi niya ang kanyang mga magulang pero parang wala lang dito ang sakit na kanina pa niya nararamdaman.

Parang katapusan na ng mundo niya sa nararamdaman niyang sakit. Ayaw na niya ang ganoong pakiramdam pero wala naman siyang magagawa.

Sobra na ang kirot. Suko na din siya sa at halatang pagod na pagod na. Makikita ang bawat patak ng pawis niya sa noo at hindi na din maipinta ang itsura niya sa sakit.

Pinahiga na siya dahil sa nararamdaman. Lumuluha na siya sa sobrang pasakit na nararamdaman.

Napahiyaw nalang siya.

Isa pang todong sakit ang naramdaman at bigla nalang itong nawala.

Isang munting iyak nalang ang narinig sa loob ng kwarto.

Bumanda at nagbounce back ng bonggang bongga.

Hindi ko naman siya kilala na ganoon. Alam ko na hindi naman talaga siya ganoon karelihiyoso pero marunong naman siya magdasal at may pananampalataya siya.

Pero nagbago din siya.

Kaya natanong namin siya kung bakit? Para sa amin kasi, mas maluwag ang takbo ng buhay basta may pananampalataya ka. Kesehodang mahirap ka at sakto lang ang perang panggastos mo sa araw araw. Natutulungan ka niya para hindi magkulang.

Basta syempre may gawa din sa parte mo.

Nahihiya pa siyang sabihin ang totoong dahilan pero nalaman din namin gamit ang sangkaterbang pamimilit.

Nasanay kasi siya na nabibigay sa kanya ang mga bagay na gusto niya. At dahil yun sa pananampalataya niya. Pero meron kasi siyang isang hiniling na hindi naman naibigay sa kanya. In a way parang nagrebelde siya dahil doon.

Adik lang? Nagrebelde agad?

Para sa amin, baka kasi sinusubukan lang siya kaya hindi naibigay ang kagustuhan niyang iyon. Minsan kasi tinitignan lang niya kung gaano kalaki ang pananampalataya mo sa kanya kaya hindi niya binibigay ang mga kahilingan.

Minsan naman hindi lang niya ito ibinibigay kasi hindi pa ito yung tamang oras para ibigay sa iyo yun.

Naks, hindi ko din expect na ganoon ang magiging rason ko. Pero parang ako ata ang tinamaan sa sinabi kong yun.

mga taong di nabubulok

“Uy parang ang may iba sa iyo? Mayaman ka na no?” Bati ng babae sa nakasalubong niya.

“Hindi naman masyado, ikaw nga ‘to lalong gumanda eh?” Tugon naman niya.

Magkatrabaho silang dalawa dati. Isang taon na din ang lumipas noong huli silang magkita at nagkausap.

“Oh saan ka na ngayon? Big time na big time ka na ha?” Hindi talaga siya tinigilan ng dating kasamahan sa kanyang pagtatanong.

“Ano ka ba, mahirap pa din ako no? Ikaw nga dyan lalong gumanda eh?” Birada naman niya.

“Ano ka ba? Matagal ng ganyan yan. Haha.. Sige text text nalang!” Pagpapaalam ng nakitang kasamahan.

Tumalikod na ito at siya din ay tumuloy na sa pupuntahan.

“Echuserang Palaka!” Nasabi nalang niya sa kanyang isipan.

5/28 19:39 - 1 note

sa aming dalawa nalang yun

“Ok cge. kta nlng tau mmya Beb.” reply ko sa kanya.

Medyo alangan pa akong padaanin pa siya sa dito sa simbahan pagtapos ng service ko. Maari na naman siyang dumiretso sa bahay para doon ako antayin pero mas gusto pa niya akong sunduin. Medyo may kalayuan din kasi ang simbahan sa amin at baka mapagod lang siya.

Baka namiss lang ako.

Gawain kasi niya yan kapag namimiss ako, bigla nalang magtetext kung nasaan ako at manunundo. 

Maganda ang misa ng pari. Dinig na dinig ko ito dahil na din sa prebelehiyo ko na umupo malapit sa pari. Dapat nga lang ay alerto dahil mabilis minsan si Father at kailangan na namin agad agad siyang alalayan. Mahirap din ang pagiging sakristan minsan pero masaya naman at fulfilling sa pakiramdam.

Tinalakay niya ang pag-ibig sa kapwa. Tinamaan ako ng kaunti. Napayuko nalang ako at tinuloy ang mga dapat kong gawin.

Tapos na ang misa at nakapag-ayos na din ang mga kasamahan ko. Ayos na ang iba umuwi at yung iba naman ay nauna na.

“Oh bakit bumalik ka? May nakalimutan ka ba?” Tanong ko sa kasamahan kong hingal na hingal bumalik sa kwarto namin.

“Ah nakalimutan ko kasi cellphone ko sa table. Nga pala nakita ko si yung kaibigan mong si Alex sa labas, hinahanap ka.”

mapaglarong isipan

“Uy, seksi” sabay tingin sa kanan.

“Oh eto namang isa maputi na seksi pa.” Tingin naman sa kaliwa.

“Napakarami naman atang mga magaganda dito sa loob? Ansan na ba ko?” Patuloy ang pagmamasid niya sa kakaibang lugar at kasama na ang mga naggagandahang mga babae sa paligid.

Lahat ng mga tanong nasa isip lang niya. Kinakausap ang sarili habang naglalakad lakad paikot.

Nakasunod ang mga mata niya sa isa pang babaeng dumaan sa tapat niya. Hindi man lang sumunod ng lingon ang kanyang ulo.

“Babe, mukhang maganda dun oh. Pasok tayo!” Dali daling hinatak ang kamay niya papunta sa tinutukoy na tindahan.

“Oh bakit parang tulala ka dyan? Anong nasa isip mo?” Taning tanong ng kanyang nobya.

habulan

Isang mariin na halik ang ibinigay ng dalaga sa binatang nakatayo sa kanyang harapan. Gulat lang ang mababakas sa mukha ng binata sa ginawa ng kasama at ni walang salita ang lumabas sa natakpang labi niya kanina.

“Ako nalang ang piliin mo. Wag na sya.” Pagsusumamo ng dalaga sa katapat niya.

Nakatayo silang dalawa sa gitna ng isang gazebo malapit sa simbahan. Panatag ang buong kapaligiran. Naglalaro ng banayad ang hangin sa kanilang mga buhok at mga huni lang ng ibon sa mga sanga ng puno ang maririnig.

Napatakbo ang binata ng makita ang imahe ng kanyang nobyang tumatakbong luhaan sa puti at mahaba nitong traje de boda. Kanina pa pala ito sa likuran ng mga puno na nagmamasid sa pinaguusapan nilang dalawang magkaiban.

Mabilis ang takbo ng nobya ng binata sa kanyang harapan. Lumingon siya at sumusunod din ng takbo ang dalaga.

Hinabol din ng dalaga ang kanyang iniibig na kaibigan. Lumingon siya ngunit walang natakbo para habulin siya.

br0lifeteenageprince
5/27 08:52 - teenageprince - 101 notes

Heto na.. Heto na.. AhHhHhh!

Ok na. Tapos na siyang kumain. Tatagal din ng apat na oras o higit pa ang kinain niya. Sobrang dami kasi noon kaysa sa normal niyang kinakain.

Dala na din ng pagkanerbyos at pananabik kaya nagkakaganoon siya. May halong kaba pero mas daig ng pananabik ang nasa puso niya.

Ngayon kasi ang unang pagkikita nila. Kadalasan lang na paguusap nila ay sa text at sa mga tawag sa telepono. Ngayon lang nila makikita ang kaanyuan ng bawat isa.

Tuwang tuwa pa siya dahil personal pa siya nitong pupuntahan sa bahay para sunduin.

Tumingin siya sa orasan. Labingtatlong minuto nalang bago ang takdang pagdating niya.

Bahagya na siya ng basa ng pawis sa noo kahit halos kakatapos palang niyang maligo. Buti nalang at may kakapalan ang damit niyang suot. Naghanda talaga siya para sa panahong ito at isinuot ang pinakamaganda niyang damit. Nagpabango at Naghilamos ng husto para lang maging kaaya-aya ang itura sa darating na bisita.

Limang minuto nalang at nanginginig na ang tuhod niya sa kakaantay sa kanyang sundo. Nananabik at kinikilig.

Isang minuto at… tumunog ang kanyang cellphone.

“Sori, kkgcng q plng.”

hindi na present si miss.

Nakita kitang naglalakad sa sa kabilang parte ng kalsada.

Iba na din ang pormahan mo. Maikling skirt na hinding hindi ka makakayuko dahil mabobosohan ka kapag ginawa mo yun. Hindi din nagpatalo sa laban ng paiklian ang buhok mo. Maitim na maitim at parang gupit lalaki pa ang ayos. Buti nalang at hindi ka mapagkakamalang lalaki sa sobrang lambot na iyong mukha. Maamo pa ito sa kawawang aso. 

Lalo ka din sumeksi. HIndi kasi ako sanay na ganoon ang mga damit mo dati. Ngayon ay hapit na hapit ang damit mong halos maging suman ka na. Buti nalang at sleeveless ito dahil kung sakali man ay baka bumakat ang basang pawis sa kilikili mo sa init ng katanghalian.

Nakasunod pa din ako sa paglakad mo papalayo. Kasama ang isang matandang amerikano.

Kaya siguro umalis ka na sa pagiging guro sa paaralan noong nakaraang termino.